Mga Pahina

Tuesday, December 2, 2014

Sen Jinggoy Estrada at Sen Bong Revilla sa selda magpapasko?





Nagpahayag ng pangamba si Senador Jinggoy Estrada na matulad sa kaniyang kaibigang si Senador Ramon "Bong" Revilla, Jr., ang kaniyang petisyon para makapagpiyansa sa kasong plunder na kinakaharap sa Sandiganbayan.
 
Nitong Martes, naglabas ng desisyon ang Sandiganbayan First Division na nagbabasura sa bail petition naman ni Revilla na nahaharap din sa hiwalay na kasing plunder at graft kaugnay ng umano'y pork barrel scam.
 
Sakabila nito, tiwala si Estrada na mahina ang ebidensya laban sa kaniya at papayagan siya ng anti-graft court na makapagpiyansa.

 Inaakusahan sina Estrada at Revilla ng magkahiwalay na reklamong graft at plunder matapos umanong makipagsabwatan sa negosyanteng si Janet Lim Napoles upang makakuha ng komisyon sa pondo sa pamamagitan ng paglalaan ng pork barrel funds sa mga pekeng NGO umano ni Napoles.
 
Nalulungkot naman si Estrada na hindi napagbigyan ang petisyong makapagpiyansa ng kaibigang si Revilla, na pinaniniwalaan niyang inosente sa kaso.
 

 

No comments:

Post a Comment