MANILA – The Manila International Airport Authority (MIAA) on Monday insisted that one of its trainees died of acute pancreatitis or "bangungot", following suspicions that there was foul play involved in the death.
In a statement, the MIAA said a medico-legal report revealed that Airport Police trainee Leo Lazaro died of acute pancreatitis following a team building activity in a resort in Nueva Ecija.
Lazaro was a member of the last batch of Airport Police Department (APD) trainees for the year, the MIAA said.
MIAA general manager Jose Angel Honrado said Lazaro's relatives were fetched from their house in Pandacan, Manila following the death of the police trainee.
To dispel suspicisons of foul play, Honrado said the Lazaro family was allowed to witness the autopsy of Lazaro's body.
Honrado said the MIAA does not engage in any abusive training style ''that would inflict pain or worse, cause the death of a trainee."
Pamilya, dudang bangungot ang ikinamatay ng police trainee
MANILA - Hindi matanggap ng naulilang pamilya at kasintahan ng trainee ng airport police na namatay siya sa bangungot matapos mapansin na tila pinahirapan umano ang namatay na kaanak.
Nagluluksa ang pamilya Lazaro sa pagkamatay ng 27-anyos na bunso sa anim na magkakapatid na si Leo matapos umanong bangungutin habang nasa huling yugto ng kanilang training sa pagpupulis sa airport sa Nueva Ecija.
Oktubre pumasok sa kurso si Leo at patapos na sana ang training ngunit kahapon, tanging mga gamit at malamig na bangkay na lang ni Leo ang umuwi sa kanilang bahay sa Pandacan, Manila.
Namatay umano sa bangungot si Leo, ngunit duda ang kanyang mga kamag-anak na ito nga ang dahilan ng kanyang pagkamatay.
''Kung binangungot siya, dapat puputok yung bituka niya hindi ganyan eh…Dumating siya dito nakabukas pa isang mata, bali ang braso parang pinahirapan eh,'' ani Laurence Lazaro, kapatid ni Leo.
''Ang gusto lang po namin malaman ung totoo,'' ani Lulu Lazaro, isa pang kapatid ni Leo.
Lumabas sa medico-legal examination na bangungot ang ikinamatay ni Leo. Marami umanong nakain si Leo nang gabing nangyari ang pagka-bangungot.
''Sabi kasi nila nung una nabangungot tapos sabi nag-swimming daw... Ang dami kasi nilang sinabi hindi na malaman kung ano ang totoo,'' ani Rosalia Padilla, kasintahan ni Leo.
Nakatakdang lumabas ang resulta ng autopsy sa labi ni Leo ngayong araw. Sinagut naman ng institusyong pinasukan ni Leo ang gastusin sa pag-uuwi sa kanyang mga labi sa Maynila hanggang sa kanyang pagpapalibing.
Wala pang inilalabas na pahayag ang Philippine National Police Aviation Security Group kaugnay ng pangyayari.
No comments:
Post a Comment