Mga Pahina

Monday, December 1, 2014

Nikki Gil checks off most of her bucket list in My Big Bossing

Marami raw natupad sa bucket list ni Nikki Gil dahil sa pelikulang My Big Bossing, entry ng OctoArts Films, M-Zet TV Productions, at APT Entertainment sa Metro Manila Film Festival (MMFF) 2014 sa Disyembre 25.
Ang trilogy movie ay nahahati sa tatlong episodes—“Sirena”, “Taktak”, at “Prinsesa”.
Una na ngang natupad sa bucket list ni Nikki ay ang pagkakaroon ng MMFF entry sa kauna-unahang pagkakataon.
“Very exciting po, first time po akong sasali ng MMFF,” sabi ni Nikki.
Isa rin sa ikinae-excite ng Kapamilya actress-TV host ay ang pagsama niya sa Parade of Stars na magaganap sa Disyembre 23.
“Mismo at naka-full costume habang tirik na tirik ang araw. I can’t wait.”
Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Nikki sa presscon ng My Big Bossing na ginanap kahapon, Nobyembre 26, sa Guilly’s restaurant, sa Tomas Morato, Quezon City.
Lubos daw ang kasiyahan ni Nikki nang malaman niyang makakasama siya sa cast ng My Big Bossing, lalo na nga’t karamihan sa makakatrabaho niya sa cast ay mula sa GMA, sa pangunguna ng mga bidang sina Vic Sotto at Ryzza Mae Dizon.
Saad niya, “Siyempre masaya dahil nabigyan ako ng pagkakataon na mapabilang dito.
“Sabi ko nga, sa movie na ito, I made a lot of new friends, kasi first time ko pong makatrabaho ang marami sa kanila.
“Siyempre sa umpisa, medyo na-intimidate nang konti kay Bossing [Vic]. Siyempre Bossing is Bossing.
“Pero nangibabaw naman po yung it’s such an honor to be part of such an awesome ensemble and para po makatrabaho ang ilan sa pinakamagagaling sa industriya.
“It’s a beautiful experience.”

BOSSING VIC. Kasama rin daw talaga sa bucket list ni Nikki ang makatrabaho si Bossing Vic.
“Oo naman, siyempre. Sino ba namang artista ang wala sa bucket list yun?” sabi niya.
Ano ang mga nadiskubre niya kay Bossing gayundin ang mga ugaling nagustuhan niya sa aktor?
Ayon kay Nikki, “Siyempre hindi ko ini-expect na for a very big star, e, ganun siya ka-down to earth. “Sobra ko namang natuwa na nabigyan ako ng pagkakataon na makatrabaho siya. 

“Very low maintenance at siyempre napakagaling na artista.”

Bilang isa sa main hosts ng Eat Bulaga! si Bossing, sigurado na bang magge-guest siya sa naturang noontime show ng GMA para mag-promote?

Sagot ni Nikki, “Hindi ko pa po alam, e, kasi nasa kanila yung schedule. Pero sana po, kung maimbitahan.” Papayagan kaya siya ng ABS-CBN? “Siguro naman, oo. Papayag naman siguro.” 

THE QUEEN. 

Natupad din daw ni Nikki ang childhood dream niyang maging isang reyna. Ginagampanan niya ang role ni Reyna Bea sa episode na “Prinsesa”, bilang ina ni Ryzza Mae. 

“I think lahat naman ng batang babae, pinangarap iyon [ang maging reyna]. “So, marami ang na-check sa bucket list ko dito sa pelikulang ito. 


“’Tapos baby ko pa rito ang napakagaling, napakatalino, at very talented na si Ryzza Mae.” 



Proud ding ibinahagi ni Nikki na siya ang kumanta ng theme song ng pelikula. “Ako po yung kumanta ng theme song ng My Big Bossing, yung ‘Bukas Na.’ “So, kumbaga, sa bucket list ko na-check ko na iyon, yung kumanta ng theme song ng movie.”


No comments:

Post a Comment